-- Advertisements --

Mag-aalok ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng sampung araw na trabaho bilang tulong para sa libu-lubng indibidwal na apektado matapos ang pag-alburuto ng bulkan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kikita ng P4,000 ang kada manggagawa para sa 10 araw na trabaho dahil ang minimum na sahod sa region 4 o Calabarzon ay P400.

Base sa ulat mula kay DILG Secretary Eduardo Ano nasa 1,006 pamilya o 3,649 indibidwal ang mga apektado sa pag-aalburuto ng Taal Volcano kayat ang agarang tugon dito ng kagawaran ay ang pagbibigay ng trabaho sa mga apektadong residente sa loob ng sampung araw.

Mayroon din aniyang inihandang P50 hanggang P100 million pondo ang ahensiya para sa mga Taal victims partikular na sa munisipalidad ng Agoncillo, laurel, San luis, Taal, calaca, Calatagan at sa lemery, Batangas.

Maliban pa sa temporary 10 day work, ayon kay Bello nakahanda ang DOLE na mabigyan ng pangmatagalang livelihood assistance ang lahat ng apektadong indibidwal.