-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Makakatanggap ng tulong mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office 8 ang libo-libong mga empleyadong apektado sa nangyaring sunog sa Robinsons Mall Marasbaras Tacloban na nag-iwan ng mahigit P40 million na inisyal na danyos.

Ayon kay DOLE 8 Assistant Regional Director Amable Ildefonso Roa, magpapatupad ng emergency employment program ang DOLE sa pamamagitan ng cash for work program.

Maliban rito ay may alok ring livelihood program ang DOLE para sa mga displaced workers mula sa nasabing mall kung saan kailangan lang na ipresenta ng mga ito ang kanilang proposal kung ano ang gusto nilang negosyo.

Sa ngayon ay patuloy naman ang panawagan ng DOLE sa aabot sa dalawang libong apektadong empleyado ng Robinson’s Mall na magpunta na kanilang opisina upang maka-avail sa nasabing tulong.