-- Advertisements --
Magsasagawa ng inspections ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga establishimento na may mga dayuhan an empleyado.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na mayroong 385 na mga labor inspectors ang kanilang inatasan na magsagawa ng inspections.
Layon nito ay para matiyak kung ang mga establishimento ay sumusunod sa Joint Memo Circular 20-4A ng Department of Trade and Industry at DOLE Supplemental Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19.
Titignan din ng DOLE ang listahan ng mga aplikante para sa alien employment permit ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa bansa.