-- Advertisements --

Hinihikayat ng Department of Labor and Employment ang mga naghahanap ng trabaho na lumahok sa kanilang isasagawang job fair sa ilang piling mall sa Metro Manila.

Ang Kalayaan job fair ay isasagawa kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon sa DOLE,nag-aalok ang higit 500 employers ng mahigit 31,000 local at international na trabaho.

Ilan sa mga mall ay nasa Manila, Pasay, Pasig, Caloocan, Marikina, Mandaluyong, Las Piñas, Taguig, at Quezon City.

Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng resume, at ilang pre-employment documents.