Nakatakdang magsagawa ng job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) para lamang sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa pagsara ng philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang profiling sa mga dating POGO workers.
Paglilinaw pa nito na hindi lamang para sa mga emergency employment intervention gaya ng TUPAD program at sa halip ay para sa employment facilitation.
Mayroon na rin aniya silang ugnayan sa mga malalaking kumpanya mula sa IT business, business process outsourcing at maraming iba pa.
Una ng sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Alejandro Tengco na nasa 40,000 mga Filipinos ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagsara ng mga POGO hubs.