Magsasagawa ang Department of Labor and Employment ng dalawang pangunahing mga aktibidad para sa mga manggagawa sa 120 sites sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.
Sa pre-labor press conference ng ahensiya, sinabi ni Labor day chairman at DOLE USec. Benjo Benavidez na kabilang sa isasagawang event ay ang taunang job fairs gayundin ang kadiwa ng Pangulo at magsasagawa ng payouts sa mga programa ng DOLE na Tulong Panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers (TUPAD), DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) at Special Program for Employment of Students (SPES).
Ang ikalawa namang idaraos na malaking kaganapan sa araw ng paggawa ay ang espesyal na selebrasyon ng golden anniversary ng Labor Code of the Philippines na gaganapin sa Palasyo MalacaƱang kung saan ito nilagdaan ni dating Pang. Ferdinand Marcos Sr. noong 1974.
Imbitado ang lahat ng sektor ng manggagawa at namumuhunan.
Kung saan bibigyang pagkilala ang outstanding workers sa Pilipinas at lalagdaan ang joint MOU ng limang national government agencies at isang LGU kaugnay sa pagtatayo ng Worker’s rehabilitation center complex.