Kinumpirma ng Department of Labor and Employment na nakatakda silang magsagawang muli ng job fair para sa mga Pilipino POGO workers na apektado dahil sa pagbabawal sa operasyon nito sa bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, patuloy ang kanilang isinasagawang information dissemination at nakikipag-ugnayan sila ngayon sa mga employers ng nasabing mga apektadong manggagawa.
Kung maaalala, nagsagawa na ng job fair ang ahensya para sa mga Pilipino POGO workers na apektado at aabot lamang sa 300 job seekers ang dumating habang 33 ang na nahired on the spot.
Pinaplansta pa ng ahensya kung saang lugar gaganapin ang naturang job fair bagamat sinabi nito na idaraos ito sa mga lugar na malapit sa POGO firms.
Nakikipag coordinate rin sila sa marami pang employers at maging sa Department of Migrant Workers.