-- Advertisements --

CAUAYAN CITY-Tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng DOLE sa Emergency Employment Program

Sa naging panayam ngBombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa dami ng mga benepisaryo ay kailangan nila ang tulong ng mga LGU para sa profiling at payout o pagbibigay ng cash assistance sa mga benepisaryo.

Ayon kay Secretary Bello, maayos naman ang tugon dito ng mga pamahalaang lokal.

Samantala, second district ng Quezon City ay may nasampahan na ng kaso ang NBI kaugnay ng hindi maayos na pamamahagi ng tulong pananalapi sa ilalim ng TUPAD program.

Ito ay matapos matukoy ng NBI ang coordinator na gumawa ng kalokohan.

Mahigpit nang minomomonitor ng DOLE ang pagpapatupad sa programa lalo na ang pagpili ng benepisaryo lalo na ang payout. Kailangan na mahirap at walang trabaho.

Hinikayat ni Secretary Bello ang publiko na iparating sa kanyang tanggapan ang iregularidad sa pagpapatupad sa TUPAD.

Hindi aniya magagamit ito sa pamumulitika dahil ang bayad ay matatanggap ng mga benepisaryo sa pamamagitan ng remittance center.