Mahigpit pa rin ang pagpapaalala ang Department of Labor and Employement (DOLE) sa mga employers ng tamang pasahod sa kanilang empleyadong papasok ngayong araw Nobyembre 30 na isang regular Holiday dahil sa obserbasyon ng Andres Bonifacio Day.
Ayon sa DOLE na ang mga empleyado na papasok ngayong araw ay dapat makatanggap ng doble o 200 percent sa loob ng walong oras.
Kapag hindi pumasok ang isang empleyado ay tatanggap pa rin sila ng 100 porsyento ng kanilang sahod.
Binubuo ito ng 100 percent bilang kanilang arawang sahod at dagdag na 100 percent para sa regula holiday pay.
Pag sumubra naman ng walong oras ang kanilang pagpasok ay dapat ay mayroong dagdag na 30 percent sa kada oras ng kanilang sahod.
Kapag nataon naman ng day-off ng isang empleyado at sila ay pinapasok ay makakatanggap sila ng 200 percent at dagdag na 30 percent at kapag sumubra ng walong oras sa pagpasok ay dadagdagan pa ito ng 30 percent na bayad sa kada oras ng sumubra sa 8 oras.