-- Advertisements --

Target ng DOLE na maipamahagi na ngayong linggo ang P1.5 billion halaga ng cash assistance para sa kanilang qualified beneficiaries sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello na una nang naglabas ang ahensya ng nasa P441 billion halaga ng cash assistance sa mga empleyado sa buong bansa na hindi nakapagtrabaho dahil sa quarantine measures ng pamahalaan.

Ayon kay Bello, ilang mga programa ang ipinapatupad ng DOLE sa ngayon upang sa gayon ay matulungan ang mga mangaggawa na apktado ang hanapbuhay ng dahil sa COVID-19 crisis.


Inihalimbawa rito ng kalihim ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers (TUPAD) program na maaring pasukin ng mga tricycle drivers na apektado ng suspensyon ng mass transportation sa Luzon sa gitna ng enhanced community quarantine.

Ang kailangan lamang aniyang gawin ng mga ito ay mag-register sa kanikanilang mga barangay captains para makasali sa TUPAD.


Samantala, bibigyan naman din ng tulong ang mga overseas Filipino workers na napilitang bumalik sa bansa.

Bibigyan naman ng cash assistance ang mga empleyado ng mga hotels, resorts at restorances na napilitan magsara dahil sa sitwasyon.

Maging ang mga Pilipinong manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operations ay tutulungan din ng pamahalaan.