-- Advertisements --

Magsasagawa ng tatlong mega job fairs ngayong buwan ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Gaganapin ang una sa Setyembre 13 na susundan naman sa Setyembre 18 hanggang 20 sa World Trade Center sa Pasay City at Setyembre 19-21 sa isang mall din sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa DOLE na ang mga nasabing mga job fair ay lalahukan ng mga malalaking kumpanya mula sa iba’t-ibang bansa at maging dito sa Pilipinas.

Hinikayat nito ang mga aplikante na maghanda ng mga maraming resume para marami silang ma-aplyan na trabaho.