-- Advertisements --
Nag-alok ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng karagdagang 26,000 na bagong trabaho sa information technology (IT) at business process outsourcing (BPO) industry sa mga oversease Filipino workers (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni DOLE assistant Secretary Dominique Tutay, na patuloy ang ginagawa nilang pagkontak sa mga OFW para sa nasabing pag-alok ng trabaho.
Naghahanap din aniya ang DOLE ng mga manggagawa na may bagong kaalaman sa manufacturing companies.
Hinikayat din ng DOLE ang mga OFW na mag-aral ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pag-enroll sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.