-- Advertisements --
Maglalaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng alternatibong trabaho sa mga empleyado na naapektuhan ng nagpapatuloy na total lockdown sa Luzon.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na ang nasabing hakbang ay bahagi ng emergency employment program ng gobyerno.
Sa ilalim ng nasabing programa ang mga manggagawa ay magtatrabaho sa ilalim ng gobyerno at mabibigyan ng minimum wage.
Dagdag pa ng kalihim na ang nasabing trabaho ay magtatagal mula 10 hanggang 20 araw.
Kabilang din sa emergency employment ang mga informal workers gaya ng mga tricycle drivers, at tindero ng mga prutas ganun din ang mga formal workers.