Inilabas na ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng mga lugar kung saan gaganapin ang job fair kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kagitingan sa Hunyo 12, 2023.
Ayon sa DOLE na kabilang sa job fair dito sa Metro Manila ay sa Rizal Gymnasium sa lungsod ng Pasig, Paranaque City Hall Gymnasium at ilang piling mall.
Halos lahat ng mga rehiyon sa bansa ay magsasagawa ng job fair.
Pinayuhan naman ng DOLE ang mga aplikante na magdala ng maraming mga resume at ilang mga kakailanganin para sa kanilang pag-apply ng trabaho.