-- Advertisements --

Mayroon pang natitirang P2-bilyon na budget ang Department of Labor and Employement (DOLE) na tulong para sa mga informal workers na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, balak nilang ipamahagi ang nasabing halaga sa mga kwalipikadong benepisaryo.

Umabot kasi sa P7 billion na cash assistance ang naipamahagi na para sa mga 2.6 million informal workers.

Mayroon ding P6 bilyon ang naipamigay na sa mga formal workers na naapektuhan rin ng COVID-19 at mayroong kabuuang P12 billion na cash aid ang naipamahaging tulong sa 725,000 overseas Filipino workers sa ilalim ng programa ng DOLE.