-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers sa tamang pasahod ngayong Nobyembre 30 na idineklarang regular holiday bilang obserbasyon ng Andres Bonifacio day.
Base sa Labor Advisory 29-2020, na ang empleyado na hindi pumasok ngayong araw ay mababayaran pa rin ng 100 percent sa kaniyang arawang sahod.
Kapag ang empleyado naman ay pumasok ay nararapat na bayaran ito ng 200 percent sa unang walong oras.
Sakaling lumagpas ng walong oras ay mababayaran ito ng 30 percent sa kaniyang hourly rate sa nasabing araw.