Nagpapaalala ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng tamang pasahod ngayong Disyembre 8 o kapiyestahan ng Immaculate Conception na idineklara bilang special non-working day.
Ayon sa DOLE na magiging epektibo ang ‘no-work, no-pay’ policy sa mga kumpanya.
Habang ang mga empleyado na pumasok ay mababayaran ng karagdagang 30% ng kaniyang basic pay sa loob ng walong oraw.
Kapag lumagpas ng walong oras ay mayroong 30% na bayad sa kaniyang hourly rate sa nasabing araw.
Sakaling nataon na day-off ng empleyado at ito ay pinapasok ay mababayaran siya ng 50% ng kaniyang basic wage sa loob ng walong oras ng trabaho at kapag nag-overtime ay mayroong 30 % sa bawat oras ng kaniyang trabaho.
Magugunitang isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 ang Republic Act 10966 na nagdedeklara ng Disyembre 8 kada taon bilang special non-working holiday sa bansa bilang pagdiriwang sa Feast of Immaculate Conception of Mary.