-- Advertisements --

Binago na ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Alien Employment Permit (AEP).

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na ang hakbang ay matapos na maaresto ang isang Chinese national na nag-iispiya umano sa bansa.

Ang bagong AEP ay masusuring mabuti ang mga dokumento at mabawasan ang oras sa pagproseso ng mga work permits ng mga dayuhan.

Noong nakaraang tatlong taon kasi ay naglabas ang DOLE ng 192, 573 AEP sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa iba’t-ibang lokal na industriya sa bansa.

Pinakamaraming nakakuha ng AEP ay mga Chinese nationals na aabot sa halos 74,000 noong nagdaang tatlong taon na sinundan ng Vietnamese, Japanese at South Koreas.

Inamin din ng kalihim na hindi nila basta mabantayan kung nag-iispiya ba ang isang dayuhan na aplikante ng AEP.