Nakiusap si Department of Labor and Employement (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na panatilihin ang karapatan ng bawat manggagawang Filipino.
Ito ay para matiyak na magkaroon ng regular na trabaho ang mga manggagawa para matulungan nila ang gobyerno laban sa illegal contractualization o “endo”.
May mga employer kasi na inaabuso ang ‘probationary status’ ng isang empleyado kung saan matapos ang anim na buwan na pagiging probationary ay hindi na nila nirerenew ang mga kontrata ng mga ito.
Umaasa naman nito na kapag tuluyan ng naisabatas ang Security ot Tenure (SOT) bill na sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent ay mababawasan na ang bilang ng mga hindi mareregular kapag natapos na ang kanilang probationary period.