-- Advertisements --

Muling nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Filipino na nagtatrabaho sa Hong Kong na manatili na lamang sa loob at umiwas sa mga lugar kung saan nagaganap ang kilos protesta.

Sa inilabas na advisory ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito na dapat maging mapagmatyag ang mga OFW sa Hong Kong sa nagaganap na kaguluhan doon.

Pinaiiwas din ng DOLE ang mga Pinoy doon na huwag magsuot na mga itim na damit para hindi pagkamalan na kabilang sila sa kilos protesta.

Tiniyak ng ahensiya na mahigpit ang pakikipag-ugnayan nila sa embahada doon.