-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga hinihinging requirements upang magin eligible ang isang health worker sa compensation.

Una nang nagbaba ng Labor Advisory Number 12 series of 2020 ang ahensiya na naayon sa Joint Administrative Order 2020-0001 ng Department of Health (DoH), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni DOLE Bicol Director Joel Gonzales sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakapaloob sa naturang guidelines na upang maging kwalipikado sa compensation, dapat na nasa kategorya ang health care worker na “severe pneumonia” o may physical pneumonia.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang ahensya sa Department of Health Bicol at sinabing zero-case pa ang rehiyon kung “severe category” ang pagbabatayan.

Mismong ang pasyente rin o ang benipisyaryo ang magsusumite ng mga hinihinging dokumento gaya ng form na available online, certificate of employment, medical abstract ng doktor, photocopy ng dalawang valid IDs at pag-endorso mula sa DoH.

Kung maaaprubahan, matatanggap ang grant sa pamamagitan ng paycheck habang maaaring magsumite ng motion for reconsideration kung i-disapprove ang claims.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, mabibigyan ng P100,000 ang nagkaroon ng severe case ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na health care worker at P1 million para sa benepisyaryo ng binawian ng buhay dahil sa naturang sakit.