-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes, sa mga pribadong sektor na mag bigay ng 200 percent na karaniwang sahod para sa mga mangagawa na magta-trabaho sa Martes, Abril 1, ito’y bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Kasunod yan ng proklamasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na nagdek-deklara sa Abril 1 bilang isang regular holiday sa buong bansa.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang mga manggagawa na magtatrabaho sa araw ng Eid’l Fitr ay tatanggap ng 200% ng kanilang arawang sahod para sa unang walong oras ng trabaho.

Kung magtatrabaho naman nang higit sa walong oras, may karagdagan itong 30% na babayaran ang mga employer batay sa kanilang oras ng trabaho.

Kung ang Eid’l Fitr naman ay nataon sa araw ng kanilang rest day, ang mga manggagawa ay makakatanggap ng karagdagang 30% na sahod.

May dagdag din na 30% ang mga manggagawang mag o-over time mula sa orihinal na rate ng kanilang sahod.

Samantalang kung hindi naman pumasok ang isang manggagawa, makakatanggap pa rin ito ng 100% na sahod, basta’t pumasok ito o nag leave bago ang opisyal na araw ng holiday.