-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga job seeker laban sa pekeng alok na trabaho at financial scams ngayong graduation season nanaman.

Inalala ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na sa nakalipas na 2 taon, ginamit ng mga scammer ang larawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ipromote ang pekeng tulong pinansiyal sa ilalim ng programang pangkabuhayan ng DOLE na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na maliban sa patuloy na information dissemination sa pamamagitan ng telebisyon, radio at social media, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at law enforcement agencies dahil sila ang may responsibilidad sa prosecution at enforcement. Sa parte naman ng DOLE, binibigyan aniya nila ng inputs ang kaukulang ahensiya.

Pinalalakas na rin ng ahensiya ang information technology infrastructure nito para malabanan ang cyberthreats.