Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa posibleng pagsipa ng mga presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo sa gitna ng posibleng pagsasabatas ng P100 umento sa arawang sahod.
Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, bagamat sang-ayon ito na magpapataas sa purchasing power ng mga manggagawa ang wage hike, nagbabala ang kalihim na maaari itong makaapekto sa maliliit na mga negosyo.
Kaugnay nito, sinabi ni Sec. Laguesma na tinitignan na ng DOLE ang posibleng mga interbensiyon para matulungan ang micro at small businesses sakaling maisabatas na ang minimum wage increase sa P100.
Titiyakin ng mga hakbang na ito na mananatiling may trabaho ang mga manggagawa sa kabila ng pinansiyal na epekto ng wage hike sa kanilang employer.
Batay sa datos mula sa PSA, mahigit 4 million ang minimum wage earners sa buong bansa.
Una rito, inaprubahan na ng Senado noong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para taasan ang arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor ng P100.