-- Advertisements --
LIBYA tripoli OFW elmer cato
“As the fighting gets closer to us, the ability of @PhinLibya to respond to calls for assistance by Filipinos in distress becomes more difficult or even impossible to carry out” – Usec. Elmer Cato

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mapapauwi ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya ngayong isinailalim na sa alert level 4 dahil sa nagaganap na civil war sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ngayong itinaas na sa alert level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Libya ay kakausapin nila ang mga OFWs doon.

Kapag nagmatigas daw ang mga ito na sumailalim sa force repatriation ay nagbabala si Bello na ipapakansela nila sa DFA ang kanilang mga pasaporte.

Mapipilitan anya nila itong gawin para sa kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy sa Libya.

“Pero kung after talking to them ayaw talaga nila wala na kaming ibang paraan kundi kanselhain namin ang pasaporte nila, kung kinansela ang passport, palalayasin sila ng Libya,” ani Sec. Bello.