Naghahanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa anomalya sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga nawalan ng trabaho sa Quezon City.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na ang paghahain ng kaso ay maituturing na preventive measure laban sa mga umaabuso sa kanilang TUPAD Program.
Ipinaubaya na niya ang imbestigasyon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nasabing pagsampa ng kaso.
Humingi na rin ang NBI ng tulong sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para sa pag-iimbestiga sa nasabing anomalya.
Magugunitang pansamantalang itinigil ang pamamahagi ng TUPAD program sa Quezon City matapos na ireklamo ng mga benepisaryo na ang kanilang natatanggap ay P2,000 lamang imbes na P7,500 mula sa pagtatrabaho ng 14 na araw.