Pina-alalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga private companies sa kanilang obligasyon na ibigay ang mandatory 13th-month pay sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, obligado ng mga kumpaniya na ibigay ang 13th-month pay ng kanilang mga empleyado, sa ilalim ng batas.
Hiniling din ni Laguesma sa mga employer na agahan ang pagbibigay sa 13th month pay upang makapag-budget ng maigi ang mga empleyado at mabili ang kanilang nais bilhin.
Ayon kay Laguesma, ang mas maagang disbursement ay tiyak na magbebenepisyo sa mga mangagawa, lalo na at patuloy aniya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Samantala, muli ring naglabas ng guidelines ang DOLE para sa tamang kompyutasyon para sa 13th-month pay.
Sa ilalim ng batas, ang mga rank-and-file employees sa rivate sector, anuman ang kanilang posisyon, designation, or employment status, at sa anumang paraan sila na-employ, ay dapat makatanggap ng 13-th month pay, basta’t nakapagtrabaho na sila ng isang buwan.
Maging ang mga rank-and-file employees na sinasahuran sa pamamagitan ng piece-rate basis, fixed o guaranteed wage – plus commission, o yaong mga mayroong multiple employers, mga una nang nag-resigne, mga na-terminate mula sa trabaho, o yaong mga nasa maternity leave, ay kailangan ding makatanggap nito.