Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na entitled na makatanggap ng karagdagang 30% ng basic wage ang mga empleyado na magtratrabaho sa mismong araw ng halalan bukas, May 9 salig sa Labor Code ayon Labor secretary Silvestre Bello III.
Ito ay kasunod ng inisyung Proclamation No. 1357 ni Pangulong Rodrigo duterte na pagdedeklara ng May 9, 2022 bilang special non-working holiday.
Nakasaan din sa Labor Code na kapag special day, ang mga empleyadong mag-overtime sa trabaho o mahigit sa walong oras ay dapat makatanggap ng 305 ng kanilang hourly rate.
Kapag ang empelyado naman ay magtratrabaho sa special day sa kanilang dayoff, dapat na makatanggap ng karagdagang 505 ng kanilang basic wage para sa unang walong oras ng trabaho.
Karagdagang 30% naman ng hourly rate para sa mga may overtime work sa special day na nataong day off ng emepelyado.
Hinikayat din ng DOLE official ang mga mangagawa na bumoto sa araw ng halalan.