-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ng mga tamang pagpapasahod sa kanilang empleyadong papasok ngayong Mayo 1 o Labor Day o regular holiday.

ADVISORY

Sa inilabas na Labor Advisory No. 11 series of 2022 ng DOLE na ang sinumang empleyado na papasok sa Mayo 1 ay mababayaran ng 200 percent ng sahod sa unang walong oras.

Sakaling hindi pumasok ang isang empleyado ay mababayaran pa rin ito ng kaniyang 100% ng kaniyang sahod ngayong araw.

Habang ang mga empleyado ng mahigit walong oras o overtime ay mababayaran ng 306% ng kanilang hourly rate sa araw na yun.

Sakaling nataon ang overtime sa regular holiday at sabay ng rest day ng isang empleyado ay mababayaran ito ng dagdag na 30 percent sa bawat oras na pagtatrabaho.

Mahigpit naman na binilinan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na dapat mahigpit na sundin ng mga employer ang inilabas nilang labor advisory.