-- Advertisements --

Nagpalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers na dapat tutukan ang kapakanan ng kanilang manggagawa ngayong pagsisismula na ng pagtaas ng nararamdamang heat index sa bansa.

Sinabi Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na dapat tignan ng mga employers ang maaring panganib na maidudulot ng pagtaas ng heat index na nararamdaman.

Marapat na magkaroon ng tamang bentelasyon sa loob ng mga opisina at ang pag-adjust ng mga rest break o work locations para hindi dapuan ng mga sakit dulot ng tag-init.

Binalaan din nito ang mga employer na mayroong karampatang kaparusahan kung sila ay lalabag sa pagka-expose sa panganib ng kanilang mga manggagawa.