-- Advertisements --
Nagpaalala ang Department of Labor and Employmen (DOLE) sa mga employer ng tamang pasahod sa kanilang empleyado na papasok ngayong araw o idineklarang special non-working holiday.
Sa labor advisory ng DOLE na ang mga magtatrabaho ngayong araw Disyembre 26 ay mababayaan ng dagdag na 30 percent sa kanilang basic wage sa unang walong oras.
Habang dagdag na 30 percents naman sa kada oras kapag sila ay pinagtrabaho ng sobra sa walong oras.
Sakaling nataon na day-off ng isang empleyado at siya ay pinapasok ay babayaran siya ng dagdag na 50 percent sa arawang sahod nito sa loob ng walong oras at dagdag naman na 30 percent sa hourly rate kapag overtime.
Kapag hindi pumasok ang isang empleyado ay susundin ang “no work, no pay” principle.