-- Advertisements --
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers sa pribadong sektor sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Sa Labor advisory 25 na inilabas ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na dapat ay hindi na lalagpas ng Disyembre 24, 2023 ang pagbibigay ng nasabing 13th month Pay.
Ito rin ay matagal ng isinasaad sa Labor Code of the Philippines at Presidential Decree 851.
Nakasaad din sa advisorsy na dapat ay hindi mababa sa one-twelfth ng total basic salary ng isang empleyado ang kaniyang matatanggap.
Magsasagawa rin ng kanilang regional, field at provincial offices ng monitoring para matiyak kung ito ba ay mahigpit na nasusunod.