-- Advertisements --

Nagpapalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer para sa pay rules sa kanilang mga empleyado sa Hunyo 5, 2019 Eid’l Fitr Holiday o piyesta sa pagtatapos ng mga Muslim sa kanilang Ramadan.

Batay sa umiiral na Labor Advisory No. 9, sa unang walong oras ay 200 porsyento dapat ang ibabayad sa pumasok na manggagawa at kapag lumampas ay may dagdag na 30 percent na hourly rate.

Kapag tumapat sa rest day o day off pero pumasok ang empleyado ay babayaran siya ng karagdagang 30 percent mula sa kaniyang daily rate na 200 percent, kung humigit sa walong oras ang duty ay mayroong 30 percent din na hourly rate.

Habang mababayaran pa rin naman ang 100 percent ng sahod kahit hindi pumasok ang trabahador.

Una rito, kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinirmahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng June 5, 2019 bilang regular holiday sa buong bansa.

Ang deklarasyon ng Pangulo ay nakabatay sa Proclamation No. 729 na kanyang nilagdaan kahapon, May 28, 2019.

Sina Presidente at Medialdea ay magkasama ngayon sa bansang Japan matapos na umalis kahapon.