-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ng tamang pabayad sa mga empleyado nilang papasok ngayong araw Agosto 21 o ang paggunita sa pagkamatay ni Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr na idineklarang special non-working holiday.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ipapatupad ngayong araw ang tinatawag na “no work, no pay” policy.

Ang mga empleyado ng pambridong kumpanya na papasok ngayong araw ay makakatanggap ng 30 percent bukod sa kanilang arawang sahod sa unang walong oras.

Sakaling humigit sa walong oras ang pagpasok ng empleyado ay makakatanggap ng karagdagang 30 percent sa kaniyang hourly rate.

Sakaling nataon ito sa kaniyang rest day ay mababayaran siya ng 50 percent ng kaniyang unang walong oras ng trabaho.