-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa tamang pasahod ngayong Maundy Thursday ,Good Friday at Black Saturday.

Sa Labor Advisory 5 series of 2019 , na ang mga empleyado na papasok sa Maunday Thursday at Good Fricay ay makakatanggap ng “double pay”.

Nangangahulugan ito na dapat makatanggap ng karagdagan 100% na katumbas ng kaniyang arawang sahod.

Karagdagang 30 percent kada oras ng kaniyang arawang sahod sa mga empleyadong mag-overtime at kung sakaling nataon na pumasok ang isang empleyado sa araw ng kaniyang day-off ay mababayaran ito ng karagdagang 30% mula sa 200% na kaniyang tatanggapin.

Sa Abril 20, Black Saturday na deklaradong Special Non-Working holiday ay ipapatupad dito ang “no work, no pay” policy.

Ang sinumang pumasok sa araw na ito ay mababayaran lamang ng 30% ng kaniyang arawang sahod at 30% mula sa kaniyang arawang sahod sa bawat oras na ito ay mag-overtime.