Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ng tamang pasahod sa kanilang empleyado sa dalawang natitirang holiday ng 2021.
Nakasaad kasi sa Proclamation 1107 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang regular holiday ang December 30 habang special working day ang Disyembre 31.
Ang sinumang empleyado na pumasok sa regular holiday ay mababayarn ng doble o katumbas ng 200 percente sa sahod nito sa unang walong oras at kapag hindi naman ito pumasok ay mababayaran pa rin ito ng 100 percent ng kaniyang arawang sahod.
Mayroong dagdag na 30 percent sa rate nito kada oras at kung nataon na day-off ng empleyado at ito ay pumasok ay mababayaran ito ng dagdag na 30 percent sa kaniyang 200 percent.
Sa special working day naman Disyembre 31 ay ang mangagawa na nararapat na mabayaran ng kaniyang arawang sahod walang anumang premium na idadagdag dahil ikinokonsidera itong ordinaryong araw.