Idinulog ng Department of Labor and Employment (DOLE) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hinaing kaugnay sa Overseas Filipino Bank.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ika-37 Cabinet meeting kagabi, kabilang sa inungkat ng DOLE ang wala pang naitatalagang miyembro ng Board ng bangko para sa mga OFW.
Ayon kay Sec. Panelo, agad naman inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Finance (DOF) na pinamumunuan ni Sec. Sonny Dominguez para rebyuhin ang mga nakatenggang appointments.
Idinagdag din daw ng DOF na ginagawa nilang digital ang OFWs Bank para mas madali ang transaksyon ng mga OFWs gamit ang kanilang mga smartphonez.
“The Department of Labor and Employment raised the concern on the Overseas Filipino Bank wherein there are still no appointments made on its board. The President instructed the DOF to review these appointments. Further, DOF said that it is trying to make said bank a digital one so that it will be easier for OFWs to use their smartphones in all of their transactions,” ani Sec. Panelo.