-- Advertisements --

Nais ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ng karagdagan pondo para matulungan ang mga formal at informal na manggagawa sa Metro Manila na apektado ng 14-day strict lockdown mula Agosto 6 to 20.

Sinabi ng kalihim na nakipag-ugnayan na siya sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Department of Health (DOH).

Dagdag pa nito na mayroong pa silang naiwang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Mahalaga ang nasabing pagdagdag ng pondo lalo na kapag lumala pa aniya ang epekto ng enhanced community quarantine.

Mayroong P5,000 na one-time cash assistance ang mga formal workers habang ang mga informal workers ay mababayaran ng minimum wage sa paglilinis sa mga paaralan o sa kanilang mga barangay.

Pinuna naman ito ng Defend Jobs Philippines dahil hindi pa tiyak ang gobyerno kung saan kukunin ang nasabing pondo para sa pagtulong sa mga apektadong manggagawa.

Ayon kay Christian Lloyd Magsoy ng Defend Jobs Philippines na ang sinasabi ng kalihim na pondo ay yung mga unclaimed na ayuda sa mga overseas Filipino workers (OFW), formal workers at informal workers.