-- Advertisements --

Ipinanukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng financial assistance sa mahigit 150,000 na overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi DOLE Secretary Silvestre Bello III, na maaaring makatanggap ang mga ito ng hanggang P10,000.

Dagdag pa nito na kapag makakuha na sila ng budgetary allotment ay agad nilang ibibigay ang nasabing tulong pinansiyal.

Umaasa ito na maaaprubahan agad ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.