Humihingi ngayon ng hustisya ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pinay domestic workers na napatay ng kaniyang amo sa Kuwait.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na dapat managot ang gobyerno ng Kuwait sa pagkamatay ng 47-anyos na si Constancia Lago Dayag ng Agadanan, Isabela.
Ayon pa sa kalihim na ang pangyayari ay isang paglabag sa kasunduan sa pagpoprotekta sa mga OFW sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Inatasan na rin ng Kalihim ang Philippine Overseas Employment Administration at Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait na tignan ang agency na humawak kay Dayag.
Magugunitang noong nakaraang taon ay iniutos ng gobyerno ng Pilipinas ng pagbabawal ng OFW na magtrabaho sa Kuwait matapos ang magkakasunod na ulat ng pagmamaltrato sa OFW kasama na ang pagpatay kay Joanna Demafelis na natagpuan ang katawan sa loob ng freezer.
Inalis lamang ang ban ng magkasundo ang dalawang bansa.