-- Advertisements --

Nais ng Department of Labor and Employment (DOLE) na taasan ang sahod ng mga nurses mula sa pribadong sektor.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na napapanahon na para ipantay ang sahod ng mga pampublikong nurse at mga nurses sa private hospital.

Kaya aniya maraming mga nurses ang napipilitang magtrabaho sa abroad ay dahil sa mababang pasahod sa mga private hospitals.

Base kasi sa Philippine Nursing Act of 2002 na ang ‘entry salary’ ng mga nurse ay Salary Grade 15 o P32,053.