-- Advertisements --
bello OFW saudi prince dole

Nakahanda ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpalikas ng may 50,000 mga overseas Filipino workers (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia kung lumala ang sitwasyon matapos ang pag-atake sa oil facilities.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, agad nilang palilikasin ang mga Filipino sa Saudi Arabia kapag magulo na ang sitwasyon doon.

Mahigpit din ang pakikipag-ugnayan ng DOLE sa nasabing bansa para matiyak na ligtas ang kalagayan ng mga OFW.

Nagpahayag din ang ahensiya na bibigyan nila ng trabaho ang mga lilikas na OFW mula sa Saudi Arabia sakaling lumala ang insidente.

Saudi aramco attacks oil drone