-- Advertisements --
Nakakuha ng karagdagang P1 billion na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagtulong sa mga oversease Filipino workers na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Ang nasabing halaga ay bahagi ng P2.5 billion na supplemental funding request ng DOLE.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para tulungan ang mga OFW.
Hanggang aniya may pera ang DOLE ay patuloy ang pagtanggap nila ng aplikasyon.
Gagamitin ang pondo sa pamimigay ng tig $200 o P10,000 na cash aid sa mga OFW na nasa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong program ng DOLE na unang may pondo na P1.5 billion.
Sa kabuuang 400,000 na migrant workers na nag-apply ay 100,000 lamang aniya ang kwalipikado.