Nakapaglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng kabuuang 27,413 alien employment permit (AEP) sa kabuuan ng 2024.
Ang AEP ang naging daan upang makapagtrabaho sa Pilipinas ang mahigit 27,000 na Chinese sa ilalim ng iba’t-ibang industriya.
Ang mataas na bilang ng mga Chinese ay sinundan ng mga Vietnamese na may kabuuang 9,444 AEP, Indonesian na may kabuuang 3,760, at mga Indian na umabot sa 3,414 AEP.
Ang iba pang mga dayuhan na nabigyan ng AEP ay mga Japanese na nakakuha ng 3,053 permit, South Korean na mayroong 2,365 permit, Malaysian (2,029), Burmese (1,855), Taiwanese (1,821) at mga Thai nationals (750).
Sa kabuuan ng 2024, umabot sa 60,312 AEP ang nagawang mailabas ng DOLE.
Gayunpaman, mas mababa ito kumpara sa 69,612 AEP na inilabas ng ahensiya noong 2023.
Samantala, lumalabas na ang industriya ng communications and information technology ang nagtala ng may pinakamaraming dayuhang mangagawa. Umabot sa sa kabuuang 10,085 foreign worker ang nagtrabaho sa ilalim nito.
Sinundan naman ito ng arts, entertainment, and recreation na may kabuuang 9,466; administrative and support service activities na may 8,911; at professional, scientific and technical activities na mayroong 8,935.