-- Advertisements --
CAUAYAN CITY-Iginiit ng kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE na kailangan ding magpaliwanag ang pamahalaang ng Saudi Arabia sa pamilya ng apat na skilled worker na namatay at basta na lamang inilibing.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay kalihim Silvestre Bello III ng DOLE, sinabi niya na nagpaliwanag na ang pamahalaang ng Saudi Arabia subalit hindi siya kuntento kaya hindi muna niya pinaalis ang anim na raang nurses na inaasahan ng naturang bansa na manggagaling sa bansa.
Kapag naipaliwanag nila ng mabuti ang pangyayari at makumbinsi ang pamilya ng mga namatay na OFWs ay saka lamang nila papayagan ang mga naturang nurses.