Aabot sa higit P4.3 million na pinansyal na tulong ang ipinaabot ng Department of Labor and Employment sa informal workers sa Bacolod kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon.
Pinakinabangan ito ng higit 907 informal workers mula sa siyam na barangay ng naturang lungsod.
Ito ay bahagi pa rin ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng ahensya.
Personal din na nagtungo at nakiisa sa pamamahagi si Bacolod Rep. Greg Gasataya and Mayor Albee Benitez.
Nakatanggap ng P513,600 ang Barangay 1 para sa 107 beneficiaries habang ang nalalabing barangay ay nakatanggap ng tig P480,000 para sa 800 recipients ng TUPAD program.
Ang naturang halaga ay bahagi ng P157.2-million na halaga ng TUPAD assistance na ipinamahagi sa 29,996 beneficiaries sa kabuuan ng Western Visayas.
Ikinukunsidera ito bilang mga lugar na mahirap maabot kayat kadalasan ay malalampasan ito.