-- Advertisements --

Naipaabot na ng Department of Labor and Employment- Rizal ang kabuuang ₱54.2 million na halaga ng tulong sa ika-4 na distrito ng Rizal.

Ito ay sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD Program ng naturang ahensya.

Ang nasabing halaga ay pinakinabangan ng mahigit 9,600 informal sector workers.

Katuwang ng ahensya ang isang kilalang remittance company sa pag rerelease ng payout sa pamamagitan ng caravan payout system.

Layon ng hakbang na ito na masiguro ang maayos na proseso sa pagrelease ng tulong.

Kapalit ng halaga ay ang 10-day community service ng mga mapipiling benepisyaryo ng programa sa komunidad.