Aabot sa 408 irrigators mula sa Ifugao ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Labor and Employment .
Ito ay sa ilalim ng TUPAD program ng ahensya katuwang ang National Irrigation Administration sa Cordillera Administrative Region.
Halos dalawang milyong piso ang ipinamahagi ng ahensya sa naturang mga benepisyaryo kapalit ng kanilang paggawa.
Ang naturang payout ay isinagawa sa walong iba’t ibang venue sa buong lalawigan ng Ifugao nito lamang nakalipas na dalawang araw.
Sa isang pahayag, sinabi ng national Irrigation Administration na ang naturang bilang ng mga irrigators ay miyembro ng ba’t ibang irrigators’ associations sa munisipalidad ng Lamut, Kiangan, Lagawe, Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue at Hungduan.
Kabilang sa mga naging trabaho nito kapalit ng halaga ay paglilinis ng mga kanal sa irrigation facilities ng Hapid Irrigation System.
Kabilang na rito ang communal at small irrigation system na nasa mga bayan.
Ang programang TUPAD ay ipinatupad para magkaroon ng magandang serbisyo sa irigasyon.
Ito ay nilagdaan ng Department of Labor and Employment at National Irrigation Administration sa Cordillera Administrative Region noong 2023.