-- Advertisements --

Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers ng tamang pasahod sa kanilang mga empleyado ngayong Agosto 26 o National Heroe’s Day na isang regular holidays.

Ayon sa DOLE na ang mga empleyado na pumasok ngayong araw ay makakatanggap ng kabuuang 200 percent ng arawang sahod sa unang walong oras.

Kapag nag-overtime ang isang empleyado ay babayaran ng karagdagang 30 percent sa kaniyang hourly rate o sahod sa kada oras.

Sakaling nataon na day-off ng isang empleyado at ito ay pumasok ngayong araw ay makakatanggap ito ng karagdagang 30 percent bukod pa sa kaniyang 200 percent na tatanggaping ngayong araw.

Habang ang mga empleyado na hindi pumasok ngayong araw ay mababayaran pa rin ng 100 percent ng kanilang arawang sahod.