-- Advertisements --

Nanawagan si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sa mga private employers na maging maluwag sa mga empleyado nila tuwing may sama ng panahon.

Sinabi nito na maaring payaganng mga employers ang kanilang empleyado na hindi pumasok sa trabaho kung talagang manganganib ang buhay nito.

Paglilinaw niya na mayroong nasusunod na batas dito ang “No Work, No Pay” policy kapag lumiban ang isang private employee.

Hinikayat na lamang nito ang mga employers na intindihin ang mga empleyado nila kapag hindi nakapasok dahil sa sama ng panahon kaysa parusahan ang mga ito.